Miyerkules, Oktubre 12, 2011

ANONG INIISIP MO???

OO! maaring malabo nga ang mga mata ko, pero malinaw na malinaw saakin ang mga bagay bagay na ipinapahiwatig mo.. hindi ko man makita ng klaro ang mukha mo , nalalarawan naman sa isip ko ang nais mong ipunto..

Nasaan ako? heto nakaupo, binubuo ang mga salitang nasasaisip ko habang kinukuyumos ang ilong na hirap na sa paghinga.. Umuulan nanaman!!! ano ano kaya ang nasa isip nyo? Mga taong nasa labas, pati na rin ang mga nasa kani-kanilang kwarto at may kwarto ng may kwarto???

Naalala ko, nasa labas ako kahapon, nanlalagkit ang katawan sa sobrang init ng panahon kahit lubog na ang bituin sa umaga... habang nag aabang ng pupuno sa sinasakyan kong tricycle, unti-unti ng pumapatak ang ulan.. aburido na ko sa driver na may katabaan at hindi kanais-nais ang amoy. Kung nagkapalit kaya kami ng posisyon ano ang iisipin nya kung ganoon ang amoy ko...?

Sa wakas, umandar ka din, pero mas mabilis pa ata ang pagbagsak ng mga patak ng ulan kaysa sa pag ikot ng tatlong gulong ng sinasakyan ko..

Sabado, Oktubre 1, 2011

24/7

september 30, 2011,
10:00 p.m. - 7:00 a.m...

tahimik ng buhay sa production, katabi kong maingay kaya ako ayon at nagsosolo sa production.. may kasama ako sa line pero parang wala din.. tahimik sya..minsan nakapikit, sa sobrang seryoso nya sa ginagawa nya.. Amazing..! ako? desido makadami!! nakakamiss!! kahit may mga minor errors..
Gusto ko ng bumilis ang oras.. bukod sa may nakaplanong lakad later.. nakakainis na yun palagi may nabuntot sayo, tatabi, aayusin ang kuwelyo mo, at papakialaman ang bag mo? haissst.. itatawa ko nalang yan..hindi ko rin naman pinangarap mag enjoy sa isang island kung wala din naman ang barkada mo.. "mag sasalitan ba tayo sa pagkuha ng pictures natin"?

october 01, 2011
7:00 a.m.

ayun, paalis na going to a friend's pad.. another bonding moment nanaman... at sana hindi ako magtawag ng uwak..
yun na.. andito na kami.. "good morning po" yun iba nagpakaabala sa pagsargo, ang iba pictorial sa salamin ang inuna.. ako? nakita ko ang matagal ko ng minimithi.. ang name nya "FISH".. ayos.. ayun kain shanghai, spateti, at panalong menudo..full charge.. konting pahinga ayun set up ng videoke, baso at ang malamig na malamig na REDHORSE

yun nga siguro tunay na meaning ng family, hindi man kami isang grupo nagkakaintindihan padin, nagsasakayan sa mga biro, wala below the belt na banat.. sabi nga nya "kung tingin nyo sakin maangas" ano pa tingin sa sarili nyo, wala pakialaman,, hindi dahil parepareho kami may mga pinaghuhugutan kundi dahil parepareho namin naranasan..haha basta kami kami nagkakaintindihan.. mas masarap nga naman sumama o kahit mag ubos ng bala sa alam mo masaya kasama at sasaya ka.. hindi yun pinapakitaan ka lang masabi ngiti lang.. nga naman..

sige lasing lang ako.. ahahaha.. natutunan ko..ang salitang "CREAMER"
nun bata ako..
-pabili po ng safeguard, tide, colgate, bearbrand yun alaska, sunsilk, at yun creamsilk..

ngayon
"lagyan mo ng creamer"
"bili ka ng beer - redhorse"
"isa po sigarilyo - marlboro black"

parang walang sense pero natatwa ako.. sige uuwi na ko.. nakatulog kakasandal sa  katabi ko hindi ko namalayan na malapit na pala ko..hindi padin ako nakakaramdan ng pagod kaya maggagala pa ko..

nagyaya ako ng panibagong kasama.. nag ikot ikot sa mall..gusto ko manood ng pelikula pero hndi kami magkasundo sa iisang papanoorin.. kaya nag ikot ikot nalng at kumain.. namiss ko kasi ang kaibigan kong ito.. tamang kwentuhan habang kumakain.. naubos ang laman ng aming plato't baso at tinignan ko ang relo ko.. sakto 24 hrs na ako gising!!!

handang handa na ko..
upang tahakin ang daan..
patungo sa aming tahanan..
nais ko ng makapiling ang aking higaan
kaya mawalang galang, umalis ka sa aking daraanan..
padaan...!!

Linggo, Setyembre 11, 2011

ang PAG-IBIG daw ay hindi hinahanap..kusa tong dumadating...
di man ngayon, pero sa tamang pagkakataon..
di pinaplano, pero tadhana ang magtatagpo..

Katawan ko'y sobrang pagod na, mga mata'y kusa nang nagsasara..
nag aabang sa sasakyang maghahatid saaking patutunguhan
isang kulay berde ang huminto, bitbit ko ang bagsak kong katawan na unti-unting niyayakap ng lamig.
naaaninagan ng aking mga mata ang bakanteng upuan..aking mga labi ay napangiti..ang isa ay para sa akin at isa'y marahil para saiyo..Ako'y bigla nabuhayan
ngunit ng ako'y biglang naalimpungatan, wala ka padin sa aking tabi..

Sa aking pagbaba, napuna ko ang pagkadismaya sa aking mukha..tulad ng masamang panahon na unti-unting nagbabadya..
di nagtagal bumuhos ang malakas na ulan na unti-unting nagpapagising nanaman sa natutulog kong damdamin..
pingpatuloy ko ang aking paglalakad,hawak ko ang aking payong, at sa kabila naman ay nag aabang para sa iyo ay tumulong..

biglang napahinto sa isang dilaw na kainan..naisip ko munang bigyan ng atensyon ang kumakalam kong sikmura.
naaamoy ko ang masarap na pagkain habang tinutulak ang pintuan...iisa nalamang ang bakanteng lamesa..ang swerte ko naman.. suswertehin din kaya ako?
ubos na ang aking binili, sikmura ko'y nabusog na..ngunit gutom padin ang mga mata na masilayan ka ngayong gabi..

kinapa ko ang aking bulsa, tumayo sa isang tabi at nagsindi ng sigarilyo..naisipan ko munang humandi kahit sandali,, hinayaan sa pagtakbo ang oras..upang ikaw naman ay antayin..
malapit na maubos ang aking bala..ngunit hindi ko man lang naamoy sa aking harapan ang presensya mo.

bigla nalang naramdam na pagod na pala ang aking mga paa.. hinayaan ko nalamang na ihatid ako ng mga ito sa aking kama.
malungkot man ang kinahinatnanan ng nakakapagod na araw, wala akong magagawa kungdi tanggapin na marahil hindi pa ito ang nakatadhana
ngunit masaya kong pipikit, at magbabakasakali na kahit sa aking panaginip ika'y aking masilip..
at aasang bukas, sana ika'y akin nang makapiling...

Linggo, Agosto 21, 2011

-HINTO-


Sa bawat biyahe, sadyang may mga twist and turns.. may mga lubak, urong-sulong..susuong sa maingay at masikip na daan... Sa bawat pagtakbo gano man kalayong kilometro, tiyak sa huli may "finish line".. Enero man ngayon..sa konting pagliwaliw..hindi mo mamalayan..may mga parol, at Christmas lights na sa tuwing sasapit ang dilim... ano't ano man ang mangyari.. isa lang ang sigurado...sa bawat uumpisahan may katapusan...kung saan ang lugar na dapat ka ng HUMINTO... Ang mga araw na may ngiti sa labi,,habang nilalagok ang malamig na serbesa..kasabay ng paghithit sa usok na nagmula sa bitbit kong yosi...at ang malutong na halakhakan kasama ng barkada ay unting unti ko ng namimiss.. hindi ko na namalayan tapos na pala.. nawala ang malilikot na ilaw; nanahimik ang kapaligiran; ang yosi ay upos na, ang baso'y taob pa!! nasaan na ang aking mga kasama?? bawat araw o gabi ay kinasasabikan... pagkikita natin ay aking pinaghahandaan... sa pagtatagpo muli ng ating mga mata puso ko'y sumigla.. ngunit ang ihip ng hangin ay nag-iba..ikaw ay aking nakikita ngunit boses ko'y nawawala.. alam ko..ramdam ko..may problema... Saan o kanino ba dapat mag umpisa? nang ito'y matapos na... Tayo'y magkasama sa iisang palasyo... naglalakad, nag iikot, paikot-ikot sa iisang teritoryo.. sa di inaasahang pagkakataon tayo'y biglang magkakasalubong.. mga matang nagtititigan, labing nag ngingitian... sa pagsapit ng dapit-hapon, matapos ang oras ay umalon.. sa totoong mundo tayo'y tatalon.. heto nanaman ako sa madilim at malalim na balon..Sa muling pagkakataon..ako'y nakakulong..sa ating paghihiwalay, alam ko at tanggap ko..sayo'y may ibang sasalo, at ako naman ay naiwang nagsosolo..Bigla nalang babalot ang lungkot sa mukhang kumukulubot...wari'y ayaw ng magising sa tila isang bangungot..nang hindi maramdaman ang pagkabagot.. hanggang kailan ako dapat tumakbo..o maiisipan ko pa bang huminto?? kung ang puso ko'y durog at patuloy sa pagdugo...?

Martes, Agosto 2, 2011

bente-dos

hmmmm.. should we call it as a bad weather or a blessing from heaven..lol..naks!! ayun.. thanks much!! sa mga naka alala at nag bgay ng effort and time nila sa pag greet sa walang kwenta pero minamahal nila na si AKO!! haha...
 
bago ang lahat lahat nag HAPPY GEORGIA!! muna ko.. haha..isang buong week na kapiling ko si GEORGIA.. pero ayus na din.. i'm getting used to it!! though may some point na nakakainis na para bang ikaw lage nasisi... PERSONALAN?? there's nothing to be insecure of..  iyo na karangalan..haha!! pero atleast nasuka ko yun masama kong naramdaman..haha..kaya ayun pinipilit kita mahalin GEORGIA!! salamat sa mga tuloy ko kay GEORGIA!! hahaha

bakit ganun?? parang wala pang kwenta ang kwento ko?? haha!!
 
___________ANYWAY____________________
sa mga kaworkmates from NPMG! FA DIRECT! P.U.P! MNHS! CON! COI! BAKI! at madami madami madami pa.. hehehe..salamat sa neo!! sa mga pagpaparamdam nio nun SUNDAY!! sabi ko nga everyweek papalitan ko na yun BIRTHDATE ko..para naman lagi ako may greetings..

salamat din sa "FB" na tulay ng kanilang mga mensahe..haha

there's nothing special "happened! ha?..  pero okay naman.. pao-tsin at isang bucket para sa mga malalapit na kaibigan..hehe..KRISIS eh!!!

at ayun nakaraos na din.. hindi ko na BEERDAY..pero naulan padin.. ayaw na ata tumigil..salamat sa mga late na pagbati ni KABAYAN, LANDO, AT JUANING!! DAHIL sanyo hindi ko masoot yun shades ko.!! hahahaha..


wala na ko maxado masabi.. pero pangangatawanan ko padin tong blog ko.. haha..

+++MGA TANONG KO SA ORAS NA TO+++

* sabi sakin ng bundok..: bakit kaya xa matatakot/ma destruct everytime makikita nya yun ex nya? knowing na wala nanaman sila?? mahal mo?hiya lang talaga?

*nakita ko si buhok.. magkalapit lang tayo at tama nga yung sabi ng iba "masarap na makita mo nakatingin na sayo yung titignan mo palang".kaso hindi naman kayo makapag usap bakit?sino ba mag first move?

*si GEORGIA, bakita ba parang sama ng loob mo sakin?hindi naman tayo close?

*grabe ka makatingin "not accepted"..may sasabihin kaba?

*kaw GORY, bakit takot ako sayo?? haha

*ang dami ko antok lagi..pero ayoko pa matulog agad??sayang yun mga memories eh..hehehe

>>>>wala na talaga kwenta..halatang hindi napag isipan.pero ayos lang sige post lang..ano ba pakialam mo!! eh sa ganyan ang status ng isip ko ngayon..hayaan mo matutulog nalang mun ako ngayon..zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...

bye bye....

Martes, Hulyo 19, 2011

"SHORT-CUT"

Sa bawat biyahe ng buhay, minsan may "short-cut", daan na kung saan mas nappadali yung paglalakbay... minsan naman kahit gaano ka agap gumising.."stranded" ka padin sa siksikan at maingay na lugar...
At sa aking paglalakbay.... sa P.N.R., BUS, TRICYCLE, JEEP, STATION, TERMINAL, CANTEEN, SCHOOL.. may mga iilang kapwa ko pasahero ang nakasalamuha, nakatulong, nakagalit, naging crush, naging kaibigan, naging "OPEN" at "OBJECT"....
Sino-sino ba kayo????
ahmmm.. Janice, Mark, nItz, BRhy, JP, Khat.. yung tipong "classmate" mo na, still nakakaramdam padin ng "competition".. mas trigger ka na mag strive for the best...Either ayaw mapahiya o ayaw maungusan...
Nemong- ahaha tanda mo pa kaya..? natutunan sakanya yun pagsosoot ng "SILVER", hindi naman nag paarbor..tinuruan din ako mag gupit ng papel..haha..May mga pictures kami taken from "Tronix" at halos lahat dun "cast" siya..lol.. si bhry ulit, na dumating sa point na nasasabi ng "Magkaptid kayo?" halos lagi na lang kasi kadikit..lol..andyan din un NAREL---...

ELLA, bukod tanging nakasama ko sa napakalayo pero "Brand New section".. Minsan nakakagalit din naman...kuripot.. ang daming singit sa wallet..hiwahiwalay..As if naman kapag nawala yun wallet may matitira sakanya??? Daming "Love Letters" from Arnold dati.. Kay Angel din ata ahahah...never mayaya sa mall o kung san man..as if na kailangan mag ipon, dahil may pinaggagatas..
"Dung-dung-dung...Approaching Sta. Mesa station 2x.. dung-dung-dung"
Aphaul-- "An aphaul a day keeps the Zero away"... isang magandang halimbawa ng kaibigan at kalaban..hahaha! yup yup.. umpisa palang intimidated na insecure pa ko dito.. Hindi ko man lang naisip magiging close ko to, kahit kilala ko na sya since elem.Buti nalang talaga takot DAW sya sa Math kaya hindi nag accounting/banking..lol..Kasabay ko lagi pagpasok at pag uwi.. medyo maarte, ayaw sa mainit, ayaw sa masikip, pero matakaw.. (sorry! hehe)...Nakakainis minsan sasabhin hndi daw nagreview pero taas padin ng score..Kuung hindi sya nagreview ano tawag samin nahindi talaga nag review..haha..Minsan bukas palad na sya sa sagot..pero nahihiya talaga ako mangopya dito..hahaha.. Pero kahit papano minsan nagkakasundo naman kami sa Groupings (With DExter).. Nga pala. kiniclaim nya, Nadine Samonte daw sya.. Infairness, OO! kahit mejo may mga "flows" sya sa side.. "Aphaul of the Eye" padin sya.. Minsan na nga lang nabaliw sa "LOVE" (magsheshare ba ko? I'd rather shut my mouth) May SOMEONE, nanaman na eh.. hehe kaya nga hindi na nakaka "bar" (wala toh!! aga nakalimot)
Fhatty, and sponsor ko.. haha sa sagot, sa lahat kahit san.. hindi ko nafeel na kalaban to, generous naman eh.. minsan atchay! ganun kabait..yun nga lang before graduation nagising na ata.. nag damot na.. hehehe.. pero andyan padin siya, In fact up to now, inaalala padin niya ko.. hindi na encouraging forcing na para lumipat sakanila.. hahaha..pero ayuko pa..San ka man naroroon manlibre ka naman..
Paui, ewan ko ba.. badtrip ako dito, maarte din eh.. hehe pero ok naman kasama.. sweet all the time.. minsan sumusunod pa sa gusto ko..ganda neto!!hehe kamandag eh.. I had a great and wild experience with her!!!hehe..tipong nagsabay kami pauwi, naulan ata nun.. alam ko maliwanag pa ng sumakay kami ng bus... peo madilim na nasa bus padin..SHIT! sa sobra traffic.. bakit kasi na pa oo ako na sumakay ng hindi skyway! Binigyan ako Boxer brief..sabi nya sya daw magsusukat,hindi naman ginawa.. Bigtime na ngayon..yun nga lang ngayon hindi nanlilibre!!!
"Pa Swipe" hahaha!!! kilala mo ba sarili mo?? hahaha.. Mata ko to, dati!!! Sweet nga namin e.. bumili kami pareho ng "HAVAIANAS".. "Source" namin ang isa't isa..AT ngayon ako ang Nagbinyag sakanya... sa CREDIT-CARD nya..hahah!! birthday ko na wala ba next??
"Baki", uy! dami natin bonding.. hehe kasama ko lagi sa bar.. kahit classmate ko to dati, we're not that close..pero ngayon ayos na ayos!! Siya yun kahit wala na syang pera ililibre ko nyan pag dinadalaw ko..hindi pede sya lang nakain ako hindi..Lalo nun wala pa ko work.. One time, naisipan mag batangas..wala ako budget, sinanla niya un phone nya para samin.. ayos! tropa na, magulang pa, lover pa lalo.. hahaha..kaya ngayon, I see to it na masusuklian ko yun binibigay nya dati..hmmm... sa bagong daan na pupuntahan mo ingatb ka dun ah.. mamimiss kita...lub lub!!

"CON"..yun yun e.. napakagalante..Thank God its Fridays!! and starbucks..WOW!!very much appreciated...
"SIIOPAO"..ahahaha..batang siopao.. as of this moment, "on the rocks" relation namin..hahaha (as if na may KAMI?) badtrip e..paisip bata padin.. ayoko sinisigawan ako.. hindi man lang na appreciate yun mga sinasabi sakanya..tingin nya kaaway..SHIt!! desisyon mo yan.. nakakamiss kashare ng headset kapag papa jack na..kabatuhan ng knock knock at mga banat!!! yun gigising sayo kapag nakakatulog kana.. yung kasama mo mag yosi..haha!! at higit sa lahat pareho kaming "GREEN" pero hindi ko inisip na ako pa pala mag aalaga.. imbes gatas red horse ang inaatupag...!!!tse!! pero mahal kita.swear!

July19,2011..9:34pm.. gusto ko ng matulog.. ang INIT!!!
"Alabang, Alabang metroplis...lima pa..!"


Linggo, Hulyo 17, 2011

SINO_si_AKO????

"Call me whatever they prefer. I don’t care anyway. I can change my clothes, I can change my mind, I can even change my looks. I will drive my life the way I want it. I’m the chef of my own recipe. I don’t care about their rules cause I have my own. I don’t need to search for the destiny of my soul cause I’m still driving it on my own."
"I'm just Nothing"
 
Once become nothing, until my parents make love...
 
"FUSSION"
 
I, made from two cells, an egg and a sperm
A day, or two of preparation..
And 9 months of processing..
 
"I.D."
 
until I arrived.. with the name given by them..
(If I only have chance to choose a name for myself..Well, it would be RONKAIZEN CHRISTIAN CLARENCE KING ANTHONY OLIVER YANEZA) LOL...!!!
 
"ELEMENTARY"
 
From, ALaBang Elementary School
(Believe it or not, IYAKIN AKO KAPAG INIIWAN AKO NG MAMA/LOLA KO SA SCHOOL, AT KAPAG WALA PA YUNG TEACHER KO..BAHALA SYA UUWI NA KO..!!)
fEEling ko, maiiwan ako mag-isa..at hindi na ko babalikan.. Until now, hindi ko alam bakit ganun ako before..
PERO consistent higher section ako..hahahaha!!!
 
"BEST EVER CHAPTER"
 
happiest chapter being student..WHY?
1st yr: happy go lucky student..papasok for attendance..wala ko paki sa mga lesson..once my teacher step out ..pupunta na ko ng GYM para mag laro!!!(feeling ko babagsak na ko..) na experience ko din yun MAGLAKAD pauwi dahil hndi makasakay kahit nilalagnat na ko!!!
 
2nd yr: GOOD STudent!! hmmm... classmates ko sila KAT, JOY, PALAD, MAUHAY, BRHY, JEROME, MOLLY (YUNG SA EB BABES..naks!)..threaten ako sa kanila..alam ko MATALINO AKO!!! and I have to show it!!hahaha..I realized mas ok din mnsan may kakumpitensya para alam mo san pa dapat mag improve!!
 
3rd yr: because I improved more..ayun napasama ko sa napakadaming kakumpitensya...petiks na...dami na kalaban e.. andito padin  ung ibang mga pirata.. nakilala ko din dito yung sila BHEA, KRISTA, IAN, DENNIS at madami pa.. ARCELIE at un NAREL...(Hi! baki!!!) wala naman maxadong kwento except sa bonding moments..SWIMMING..TRONIX..FOODCOURT..at BIBLE STUDY!!
 
4TH YR: awts!!...layo layo na kami.. alphabetical order na un sectioning..A ang name ko pero Y naman ang last name..ayun LAST SECTION ako..(WITH Graciella Villar) ..ok na din..nag stand out naman ako. Still, competition exists!!!

"ISKOLAR NG BAYAN"
 
WHY here? kasi alam ko nga matalino na ko.. hehehe ayoko pumasok sa sa private na hindi ko naman alam anong course kukunin ko... IT? hndi naman ako magaling sa computer before.. ENGINEERING? may alam ako sa math pero hindi lahat kaya ko sagutin.. NURSING? wala pa ko balak nun.. aun MANAGEMENT AKO..kala ko may strategy ka lang ok na.. shet! daming alam na theory and everything..COLLEGE ko natutunan pumunta sa divisoria..haha nagawa ko pumasok sa school ng naka slipper and shorts.. sumakay ng PNR na sagap mp amoy sa labas (madumi pa nun..), matapunan ng hinagis na tubig! makipagsiksikan..haha lahat yun..
Dito ko din na experience yung pumila sa enrolment buong araw, pumila sa kuhanan ng grades, bayaran ng tuition, pagbili ng pagkain..yan ang PUP simula umpisa hanggang graduation may training ng pila..!!!) Dito din yun na stranded kami nila FATY, JV, FAITH, APHAUL, CAMILLE.. sa antipolo dahil may bagyo.. sumakay sa truck dahil baha..maglakad sa putikan... grabe!!!hahaha..pinaglinis pa kami nila JV sa bahay nila kasi bumaha din.. haisst (peace deng..)
 
pero aun.. graduate na ko.. at nagwowork na..though its not my field..still, the passion nd dedication is there.. I need it.. I'm just being practical and wise...